Habang ako'y naghahanap ng mga kung anu-ano dito sa Internet, ako'y nadaan sa isang blog na sinulat ng sa tingin ko'y isang Catholic defender na may titulong "ATHEISTA KA BA?" Ito ay naisulat noong Abril 8, 2008 ng isang tao na naitatago sa pangalang fperito at mayroon itong 5 bahagi. Hmmmm...mukhang nasagot ko na ito, ngunit nagtataka lang ako kung bakit mukhang nawawala ata yung ginawa kong kasagutan para dito sa aking blog?
Well, due to insisted public demand, aking ulit ibinabalik ang naging mga kasagutan ko sa kanya at sa kanyang sinulat tungkol sa atheism at sa mga ateista.
According sa blog na ito, ang layunin daw ng mga ateista na gibain ang pundasyon ng Kristianismo base sa isang artikulo sa Internet. Tignan natin ang kanyang sinabi:
Medyo naguguluhan ako dito. Ang artikulo na galing sa American Atheists ay kumakalaban sa mga paniniwala ng mga Evangelical Christians o yung tinatawag nating Fundamentalist Christianity. Malaki kasi ang pag-kakaiba ng paniniwala ng mga Romano Katoliko ikumpara sa mga Fundamentalist Christians. Umpisahan natin sa "The Bible has no errors."
Sa mga Katoliko, naniniwala sila na ang Biblia ay walang mali...KUNG ang babasihan natin eh yung mga tinatawag na original manuscript (na hindi na matatagpuan) at take note...ang Biblia ay walang mali kung ang pag-uusapan ay tungkol sa kaligtasan. Nakasaad sa dokumentong "Dei Verbum" Article 11. Since, therefore, all that the inspired authors, or sacred writers, affirm should be regarded as affirmed by the Holy Spirit, we must acknowledge that the books of Scripture, firmly, faithfully and without error, teach that truth which God, for the sake of our salvation, wished to see confided to the Sacred Scripture..
Malinaw ba?
Sa naabing dokumento, hindi sinasabi na walang kamalian o kontradiksyon ang Biblia. Sinasabi dito na walang mali ang Biblia KUNG ITO AY PATUNGKOL SA KALIGTASAN.
Eh papaano naman sa mga tinatawag na Fundamentalist Christians?
Ayon sa Lausanne Covenant of 1974, "We affirm the divine inspiration, truthfulness and authority of both Old and New Testament Scriptures in their entirety as the only written word of God, without error in all that it affirms, and the only infallible rule of faith and practice." (Section 2. THE AUTHORITY AND POWER OF THE BIBLE). Ibig sabihin, sa mga Fundamentalist Christian ang Biblia ay walang kamalian sa lahat ng sinasabi nito, hindi lamang patungkol sa kaligtasan.
Kaya bumalik tayo sa patukoy ng may akda. Motibo ba ng mg ateista na sirain ang pundasyon ng Kristianismo? Kung ang tinutukoy na pundasyon eh ang katotohanan na may kontradiksyon o kamalian ang Biblia suguro'y kailangan munang linawin ng may akda kung ano ang kanyang tinutukoy na doktrina ukol sa inspirasyon ng kanyang Banal na Aklat.
Sa susunod na bahagi ating pag-usapan ang kanyang mga sinasabing "kinokontrang" kontradiksyon...