Wednesday, December 07, 2011

Atheista ka ba? Opo Atheista po ako. (Part 2)

Exodus 20:8 vs. Romans 14:5

Isa raw sa nakita nyang maling kontradiksyon na nakasulat sa website ng American Atheists ay ang patungkol sa Exodo 20:8 at sa Taga Roma 14:5. Ang sabi nya...


Teka...ano nga ba ang kontradiksyon dito?

(Exodus 20:8-9) - "Remember the sabbath day, to keep it holy.  "Six days you shall labor and do all your work,
(Romans 14:5) - "One man regards one day above another, another regards every day alike. Let each man be fully convinced in his own mind."

Ah, yun naman pala. Kung kailanga pa bang ipag-diwang ang Sabbath ayon sa iniutos ng Panginoon o ang tao na ang bahala kung anong Sabbath ang gusto nya. 



Ayon sa may akda bakit tila hindi ipinaliwanag ng American Atheists kung paano naging magkakontra ang naturang mga sitas o talata. 

Pinuntahan ko ang site na tinutukoy nya at napansin ko nga na walang paliwanag...dahil ito po ay nasa porma ng isang listahan o lists. Lahat ng sinasabing contradictions dito eh pawang nakalista lang po. Hindi po naman kasi ito kagaya ng site ni Farrell Till kung saan naka detalye ang lahat ng mga rason.

Ikalawang tanong, ano ba ang pakahulugan ng nasabing komentarista sa nais iparating ng talata sa Taga Roma 14:5? Ito ba ay totoong patungkol sa araw ng pamamahinga o Sabbath?

So, ang Romans 14:5 po ba ay walang kahulugan ukol sa Sabbath?

Well, ayon kay Adam Clarke (Adam Clarke's Commentary on the Bible) eh mayroon. Bagamat hindi binangit ni Pablo ang salitang "Sabbath" sa bersikulo na ito, dapat nating unawain na ang pinag-uusapan dito ay ang mga tradisyon at batas ng Hudyo kumpara sa Hintil. Ganito rin ang komentaryo ni Albert Barnes at ni B.W.Johnson. Sabi nila, hindi raw kasi maunawaan ng mga Hudyo na ang Lumang Tipan ay napalitan na ng Bagong Tipan kaya't ang mga utos tungkol sa tradisyon ng Lumang Tipan ay natapos na rin. Sya nga pala...ito ay mga kumentaryo ng mga Christian Bible commentators at hindi mga Katoliko. Tandaan natin na ang American Atheists ay kumakalaban ng mga pananaw ng mga Fundamentalist Christians.

Kaya dahil sa mga komentaryong ito, nakikita natin na para sa mga pananaw ng mga Fundamentalists Christians, may koneksyon and Romans 14:5 sa Sabbath.

At ang huling katanungan sa pag-aanalisa natin ay kung bakit hindi isinama ng komentarista ang talatang kasunod nito na nagsasabi ng ganito:
Ang nangingilin sa isang araw ay nangingilin alang-alang sa Panginoon. Ang kumakain ng kahit ano ay kumakain niyon alang-alang sa Panginoon, sapagkat nagpapasalamat siya sa Diyos. Yaon namang hindi kumakain ng lahat ng uri ng pagkain ay gumagawa ng gayon alang-alang sa Panginoon at nagpapasalamat din siya sa Diyos.

Nabura ba ng talatang kasunod ang problema?

Hindi po. Tandaan natin na ang naging usapan dito eh tradisyon (which kasama na ang custom on festivities, food laws at iba pa.) Ang tanong lang naman dito eh simple lang: Ang diyos ba ang nagtalaga ng araw o ikaw ang pipili ng araw na gusto mo?


(Sa kanyang naging tugon sa akin gagamitin ko na rin ang post na ito para masagot ang mga ito.)



Unang una na ay ang patuloy niyang pagtukoy sa Exodo 16:29. Dapat po nating isipin na ang araw na binabanggit sa Exodo 16:29 ay ang araw ng pamamahinga para sa mga Hudyo na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na di kinikilala si HesuKristo at ang mga aral ng ating Panginoon. 
Hindi ba kinikilala ni Hesus ang Sabbath dahil sa salita nya sa  Marcos 2:27-28? 
“At sinabi niya sa kanila, Ginawa ang sabbath ng dahil sa tao, at di ang tao ng dahil sa sabbath: Kaya’t ang Anak ng tao ay panginoon din naman ng sabbath.”

Ito ang madalas na ginagamit ng mga Katoliko o iba pang mga mananamba ng Linggo para ma-justify ang kanilang pagsamba sa ibang araw. Pero alam mo...walang problema sa akin ito. Tandaan natin na ang kontradiksyon eh kung ang diyos ba ang nagbigay ng anong panahon ang dapat gawing Sabbath vs. kung pwede bang tao na lang ang mamili ng araw na gusto nya. Just telling me that Jesus changed the Law doesn't justify the fact that an omnipotent, omniscient God's Law is replaceable. Teka...but to tell that Jesus never respected the Sabbath Law is a lie isn't it? (See: Luke 4:16; Mark 2:27-28) 

Pero sasabihin na, "Malinaw mga kapatid na si Kristo bilang Panginoon ng Sabbath ay may karapatang baguhin ang Sabbath ayon sa kung ano ang makakabuti para sa tao. Ito ba ay mauituturing na isang kontradiksyon ayon sa Exodo 16:29? Hindi po mga kapatid sapagkat bilang Panginoon at Diyos ng Sabbath, may karapatan at kakayahan ang Panginoong HesuKristo na baguhin ito ayon sa kung ano ang makabubuti para sa tao na siyang dahilan sa pagkakatatag nito."


Para sa may akda binago na ni Hesus ang batas ng Sabbath kaya wala ng kontradiksyon, tama ba? Kung iintindihing mabuti ang nakasulat sa Marcos 2:27-28, hindi dyan sinasabi na binago ni Hesus and batas ukol sa Sabbath. Sinasabi lang dyan na mas importante ang tao kaysa sa Sabbath (Which still contradicts Exodus 16:29 that demands people to worship in the 7th day.)